-- Advertisements --
Ikinasal na ang reality star na si Kourtney Kardashian at Blink-182 drummer na si Travis Barker.
Ayon sa kampo ng dalawa na isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang korte sa Santa Barbara, California.
Kabilang sa witness ang lola ni Kourtney na si Mary Jo Campbell.
Labis ang kasabiikan ng actress sa bagong yugto ng kaniyang buhay matapos ang halos dalawang taon na pagsasama nila ng nobyo.
Plano din ng dalawa ang magarbong kasalan na gaganapin sa Italy.
Magugunitang noong Oktubre 2021 ng alukin ni Barker si ang nobya sa isang beach resort.