-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health na na-detect na sa Pilipinas ang pinakaunang kaso ng KP.2 FLiRT variant ng COVID-19.

Ayon kay DOH ASec. Albert Domingo, unang naitala ang nasabing variant sa bansa noong Mayo 2024.

Pag-amin ng opisyal, posibleng bago pa ito ay mayroon na talagang kaso ng KP.2 variant na hindi lamang agad na na-detect at napaulya nang dahil sa limitadong sequencing sa bansa.

Magugunita na ang KP.2 variant ng COVID-19 ay pinaniniwalaang descendant ng JN.1 variant na una nang nagdulot ng mga infection ng nasabing sakit sa unang bahagi ng taong 2024.