-- Advertisements --

Korean Girl group na New Jeans ang kanilang pangalan.

Matapos kasi ang ilang taon na kaso sa korte ay nagpasya ang grupo na tawagin na lamang silang NJZ.

Ayon sa isa sa mga miyembro nila na si Pham Ngoc Han, na ang pagpapalit ng pangalan ay para mapalitan ang mapait na nagdaan sa mas nakakasabik na kabanata ng buhay nila.

Kinumpirma rin ng grupo na sila ay dadalo sa CompexCon Hong Kong Festival sa buwan ng Marso kung saan mapapakinggan ang bago nilang kanta.

Ang grupo ay binubuo ng mga miyembro na sina Haerin (Kang Haerin), Minji (Kim Minji), Hyein (Lee Hye-in) and Danielle (Danielle Marsh).

Nagsimula sila noong 2022 kung saan pinasikat nila ang kantang “Get Up”, “Super Shy” at maraming iba pa.

Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ng kumalas sila sa agency nila dahil sa manipulation at hindi magandang pagtrato sa kanila kaya nagdesisyon na rin na magpalit ng pangalan.