-- Advertisements --

Itinanggi ng Kremlin na nag-alok si Russian President Vladimir Putin ng ceasefire sa Ukraine.

Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na walang katotohanan ang nasabing paglabas ng ulat na ipinarating ni Putin ang nais nitong ceasefire na idinaan pa sa US.

Isinagawa umano ang pagaparating nito ng ceasefire sa pulong ng mg intermediaries sa Turkey noong 2023.

Lumabas pa ang usapin ng tawagan ni White House National Security Adviser Jake Sullivan si Russian foreign policy adviser Yuri Ushakov noong Enero.