-- Advertisements --

Bumaba ng 21.71% antas ng krimen sa Metro Manila sa pagitan ng Enero 1 at Pebrero 15 ng kasalukuyang taon

Sa datos mula sa Philippine National Police – National Capital Region Police Office (PNP – NCRPO), lumalabas na bumaba ang focus crimes sa Metro Manila mula sa 852 insidente sa nasabing panahong noong 2024 sa 667 insidents sa parehong panahon ngayong 2025.

Kabilang sa mga focus crime ang pagnanakaw ng sasakyan, homicide, pagpatay, physical injury, panggagahasa, robbery at pagnanakaw.

Idinetalye ng PNP-NCRPO na bumaba ng 50 porsiyento ang mga kaso ng homicide, ang panggagahasa naman ay bumaba sa 41.57%, physical injury nasa 38%, pagpatay nasa 34.62% at pagnanakaw na bumaba sa 23.08%.

Inihayag naman ni PNP-NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin na resulta ng pagbaba ng mga krimen sa rehiyon ang malakas, at maaasahang partnership ng pulisya at komunidad.