-- Advertisements --

Iniulat naman ng United Nations na tumaas ang krimen laban sa mga kabataas sa Israel at Palestine.

Sinabi ni Virginia Gamba, ang special representative of the secretary-general of the United Nations for children and armed conflict, na mayroong 155 percent ang pagtaas ng mga paglabag sa karapatan ng mga bata.

Mula kasi ng sumiklab ang kaguluhan ay ilang libong kabataan na rin ang nasawi sa Palestine.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inilagay ng UN ang Israel sa ‘blacklist’ na mga bansa na nag-aabuso sa mga bata habang nagaganap ang giyera.