CEBU CITY – Arestado ang isang national level most wanted person matapos sinilbihan ng warrant of arrest ng CIDG Cebu Provincial Field Unit at Dalaguete PNP sa Brgy. Casar bayan ng Dalaguete probinsya ng Cebu.
Kinilala ang nahuli na si Samuel Suspon Nisnea, 41, at isa ngayong construction worker ng naturang lugar.
Ayon kay Police Lt. Col. Aladdin Dingal ng CIDG at team leader ng operation na 10 taon ng nagtatago ang suspect.
Nanggahasa umano ito ng 17-anyos na dalagita at nagpunta ng Cebu para magtago.
Ayon pa kay Dingal, sa Cebu na nakapag-asawa ang suspek kaya dito na rin ito naghahanapbuhay.
Kaugnay nito dahil isa itong national level most wanted person, mayroong monetary reward ang CIDG na P135,000 sa pagkakahuli ng suspect.
Sa ngayon ang pansamantalang ikukulong ito sa CIDG pero pagkatapos makompleto ang iilang dokumento ay ihahatid na ito sa Iligan City.