-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Kris Aquino ang tunay na relasyon nila ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.

Sa kaniyang Instagram account nag-post ito ng larawan na magkasama silang dalawa.

May caption din ito na na handa na raw ang TV host-actress na maging Mrs. Sarmiento na nangangahulugan na engaged na ang dalawa.

Kris IG

Pinasalamatan din nito ang pumanaw na kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III dahil kung hindi raw sa kaniya ay hindi nila makikilala ang isa’t-isa.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay maraming mga fans at followers ng actress ang naghinala na magkarelasyon ang dalawa matapos na i-post ng actress ang larawan ng dating kalihim.

Bago naging kalihim ng DILG si Sarmiento ay naging congressman siya ng Western Samar mula 2010 hanggang 2015.

Taong 2005 ng ikinasal ang actress sa basketbolistang si James Yap at isinilang si Bimby matapos ang dalawang taon.

Pagsapit naman ng 2010 ay naghiwalay na sila at ipinasawalang bisa ng korte ang kanilang kasal noong 2012.

Ang panganay naman ni Kris na si Joshua ay anak nila ni Philip Salvador.