-- Advertisements --

Umani ng pagbati sa kaniyang katatagan ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay matapos ang mahigit dalawang taon na pananatili sa Amerika para magpagamot ng kaniyang karamdaman.

Ibinahagi ng actress na umuwi ito sa bansa dahil kailangan niyang sumailalim sa pangalawang immunosuppressant infusions.

Kasunod nito ay ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapaabot ng kanilang malasakit at suporta sa kanyang pinagdaraanan.

Inamin rin ni Kris na kinakailangan niya ng matinding suporta mula sa mga kapatid, malapit na kamag-anak, at kaibigan sa kanyang laban sa sakit na iniinda.

Nagpasalamat rin ito sa mga taong naging parte ng kanyang gamutan habang nasa ibang bansa.