-- Advertisements --

Positibong ibinahagi muli sa social media ng actress-host na si Kris Aquino ang magandang development sa kanyang autoimmune conditions.

Sa kayang post ay sinabi ni Kris na nakauwi na siya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby matapos ang ilan sa kanyang pinagdaanang serye ng mga medical test at treatment para sa kanyang autoimmune diseases.

Noong huling bahagi ng Pebrero ay naiulat na cleared na ang actress at TV host mula sa cancer, diabetes, at sakit sa bato at atay.

Sa ngayon ay naghihintay na lamang daw siya para sa resulta ng kanyang bone marrow test.

Samantala, nagpahayag din si Kris ng pasasalamat sa Diyos at sinabing napakapalad niya na maranasan ang pagmamahal at pagmamalasakit mula sa kanyang dalawang anak.

Magugunita na taong 2018 unang inihayag ng aktres ang kanyang kondisyon sa kalusugan habang nitong Enero lamang ay itinanggi niya ang kumalat na fake news na isinailalim siya sa critical care.