-- Advertisements --

Inamin ni Kris Aquino na mas nahihirapan na siyang magpakatatag ngayon dahil sa iniindang autoimmune diseases.

Kamakailan lang ay nalulungkot na ibinahagi ng aktres na hindi niya nasamahan ang kanyang mga anak sa isang pasyalan para alalahanin ang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Sa kanyang mensahe sa social media, sinabi nito na isa ang kanyang ina sa inspirasyon niya para labanan ang kanyang sakit dahil nakita niya umano kung paano tiniis ng kanyang ina ang sakit nitong cancer. 

Sa isa pang pahayag, ibinunyag ni Kris na babalik daw sa Pilipinas ang kanyang anak na si Bimby para mag-trabaho sa showbiz dahil patuloy umanong lumulobo ang kanyang medical bills. Pinaalalahan din nito ang artist handler na huwag baguhin ang pangalan ng kanyang anak at panatilihin na lamang ang ngalang Bimb. 

Matatandaan na sa America na nananatili ang pamilya ni Kris dahil doon ito nagpapagamot ng kanyang mga sakit gaya ng Crest Syndrome at Lopus.