Ipinagmalaki ni Kris Aquino ang pagpanig sa kaniya ng prosecutors office ng Taguig sa kasong estafa na isinampa nito sa dating business partner nitong si Nicko Falcis.
Sa kaniyang social media accounts, inanunsiyo ng TV host/ actress na may nakitang karampatang ebidensiya ang piskalya para tuluyang kasuhan ito.
Sinabi pa ni Kris na lumabas din aniya ang katotohanan at umaasa siya na maging ang ibang mga kasong isinampa kay Falcis ay umabot sa korte.
Iginiit na naniniwala pa rin ito sa hustisya ng bansa.
Nauna rito umabot sa 44 counts of qualified theft laban kay Falcis sa prosecutors office ng Mandaluyong, San Juan, Taguig, Pasig, Makati, Manila at Quezon City dahil sa paggastos ni Falcis ng P1.2 million mula sa pera ng kaniyang negosyo para sa pampersonal na kapakanan.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay binasura ng Makati at Pasig prosecutors office ang reklamo laban kay Falcis dahil sa kawalan ng kaukulang ebidensya.