-- Advertisements --

Itinanggi ng tv host- actress Kris Aquino na nagkabalikan na sila ng nobyong si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.

Sinabi nito na lumabas ang tunay na naramdaman niya sa huling pag-uusap nila.

Dagdag pa nito na sa ginawa sa kaniya noong iwan siya noong bagsak siya ay doon nabawasan ang respeto nitong naiwan sa dating nobyo.

Maging ang mga kapatid nito na gumawa ng paraan para makapagbalikan sila ay tinanggihan umano ito at minaliit lamang ito ng dating kalihim.

Sa huli ay pagtitiyak niya na malabo na itong makipagbalikan sa mga tao na alam niyang hindi siya lubos na minahal.