-- Advertisements --
Kinumpirma na ng Kris Aquino na mayroon itong bagong karelasyon at ito ay kaniyang itinago sa pangalang “Marc”.
Sa social media account ng tv host actress ay ibinunyag nito ang bagong nagpapatibok ng kaniyang puso.
Hindi naman nagpahuli ang kaniyang mga fans kung saan ang tinutukoy dito ay si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Magugunitang sa ilang social media post ni Leviste ay kasama nito ang tv host actress na kasalukuyang nagpapagaling sa US.