-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng tv-host actress Kris Aquino kung bakit sila naghiwalay ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa kaniyang social media account, sinabi ni Kris na lubhang hindi lamang sila para sa isa’t-isa kaya nagpasya silang maghiwalay na.

Isa sa itinuturong dahilan din ay ang pagiging malayo nila sa isa’t-isa dahil sa kasalukuyang nagpapagamot siya sa US.

Humingi na lamang ito ng paumanahin sa pagiging madamot niya dahil ayaw niyang masira ang pagiging masayahin ni Leviste bunsod ng kaniyang kondisyon.