-- Advertisements --

Ibinunyag ni Kris Aquino na hiwalay na sila ng kaniyang nobyong si dating Interior Secretary Mel Sarmiento.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi nito ang mga screenshot ng huling text message niya sa TV host actress ukol sa paghingi nito na palayain na siya.

kris insta

Dagdag pa niya, itutuon muna nito ang atensiyon sa kaniyang kalusugan at sa dalawang anak nitong sina Josh at Bimby.

Magtutungo rin ito sa ibang bansa para magpagamot sa sakit niya na unang naranasan noong 2018 na tinawag niyang autoimmune conditions.

Magugunitang maraming mga fans ni Kris ang nagtataka dahil sa dinelete ng actress ang mga larawan na kasama si Sarmiento.

Kabilang sa mga nawawalang posts sa kanyang Instagram page ay ‘yaong ianunsyo ng dating presidential sister ang pagiging engaged kay Sarmiento, gayundin ang larawan na kuha ng kanilang date sa sikat na fast food chain.

Gayunman, nasa page pa rin ng kinikilala noon bilang “Queen of All Media” ang November 8 video clip kung saan makikita ang dambuhalang boquet ng bulaklak at kasama nito si Sarmiento.

Nitong nagdaang Pasko ang huling post ni Kris kung saan binanggit nito ang fiance sa gitna ng pagbuwelta sa mga kritiko nito na nagsasabing pinupolitika niya ang relief drive para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Samantala, umapela rin naman ng privacy ang dating kinikilala bilang “Queen of All Media.”

Ayon sa 50-year old former presidential sister, ito ang una at huling pagkakataon na babanggitin niya ang tungkol sa hindi na matutuloy na kasal nila ni Sarmiento.

Sa panig ni Mel, tinanggap daw nito ang alok ni Kris na palayain siya dahil din sa takot na siya pa ang magdala ng COVID sa ex-fiancee dahil pala-labas siya na tao.

Kamakailan lang nang almahan ng dating kalihim ng DILG ang pag-ungkat ni Herbert Bautista sa nakaraan nila ni Kris Aquino.

Si Sarmiento ang pangatlo at huling kalihim ng DILG sa ilalim ng pamumuno kapatid ni Kris na si dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

June 24 noong nakaraang taon nang pumanaw si Noynoy sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.