-- Advertisements --

Nagpapasalamat na ngayon ang actress na si Kris Aquino matapos na gumaling na ang anak na si Josh mula sa COVID-19.

Sa social media account ng actress ay ipinakita nito ang bouquet ng bulaklak na ibinigay ng hindi na niya pinangalanan.

Dagdag pa nito na nakalabas na ito sa pagamutan at siya ngayon ay nagpapasalamat dahil sa ibinigay sa kaniya na bulaklak.

Sinabi pa nito na matapos na magpositibo si Josh ay na-exposed naman si Bimby kaya labis ang kaniyang pa-alala.

Noong 2022 na rin ay nagpositibo na si Josh ng COVID-19 at ito ay tuluyang gumaling naman.

Maguguntiang umuwi noong buwan ng Setyembre ang tv host actress matapos ang pagpapagamot sa US dahil sa kaniyang anim na autoimmune disease.

Naka-isolate din ito ngayon dahil sa kaniyang kondisyon at patuloy ang paghina ng kaniyang immune system.