-- Advertisements --

Magpapamigay ng mga laptop computers ang actress na si Kris Aquino para sa mga magulang na nais na mapagtapos ang kanilang anak sa pag-aaral.

https://www.instagram.com/p/CB4mIn_FBWk/

Sa kaniyang social media, ito ang naipangako niya sa katatapos na Father’s Day sa kaniyang ama na si dating Senador Benigno Aquino.
Dagdag pa nito na sinimulan na nito bumili ng mga laptops.

Mula kasi ng ianunsiyo ng Department of Education (DepEd) na magkakaroon na ng online teaching hanggang wala pang bakuna sa coronavirus ay may mga fans nito ang humiling sa kaniya ng laptops para magamit ng kanilang anak.

Wika pa ng actress na nais niyang mag-invest sa kinabukasan ng bansa .

Magugunitang noong nakaraang buwan ay inanunsiyo rin ng actress na si Heart Evangelista na magpapamigay ito ng mga tablets devices na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.