-- Advertisements --

Nakatakdang magtungo sa ibang bansa si Kris Aquino para magpagamot sa kaniyang sakit.

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng video kung saan inalis na niya ang pangamba na mayroon itong diabetes at cancer.

Base kasi aniya sa blood test ay gumagana naman ang kaniyang kidney at maging ang sugar level niya ay normal naman.

Isinagawa aniya ang blood test para makita kung ano ang maaari niyang ipagamot kapag nasa ibang bansa na ito.

Nagtungo na rin ito sa allergy specialist para malaman ang kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Pinasalamatan na lamang ng tv-host actress ang mga fans at kaibigan na nagpadala ng kanilang pagdarasal para sa agaran nitong paggaling.