-- Advertisements --

Hiling ni Kris Aquino ang dasal para sa kaniyang ika-51 kaarawan sa Pebrero 14 o Valentines Day.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na wala ng ibang hihilingin pa sa kaniyang kaarawan kung hindi ang pagdarasal na ito ay para rin sa kaniyang namayapang kapatid na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang hindi na pinangalanang tao.

Dagdag pa nito na nais niyang maging pribado at hiniling nito ang patuloy na pagdarasal kaysa bigyan siya ng mga mamahaling bulaklak o mga pagkain.

Pinayuhan na lamang niya ang mga fans at kaanak na ibigay na lamang sa mga lubos na nangangailangan ang pera na gagamitin.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ibinunyag ng tv host-actress na siya ay na-diagnosed ng autoimmune disease.