-- Advertisements --

Humingi ng pagdarasal sa kaniyang mga fans ang TV-host/ actress na si Kris Aquino matapos na magbigay ng update sa kaniyang kalusugan.

Sa social media account nito ay pinasalamatan niya ang kaniyang kaibigan na si Anne Binay at ang pamilya nito dahil sa pag-alaga sa panganay na anak nitong si Josh noong pagdiriwang ng Mother’s Day.

Dagdag pa nito na nagpakonsulta siya sa ikaapat na doctor nitong weekend at sa ngayon ay sa cardiologist sa University of California sa Los Angeles.

Agad aniya niyang ibabahagi ang ibang detalye kapag nakuha na niya ang resulta ng mga tests.

Magugunitang nasa US si Kris dahil sa taglay na autoimmune disease.