-- Advertisements --

Naturukan na ng COVID-19 vaccine si Kris Aquino.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan kasama ang anak na si Bimby at si Atty. Gideon Peña at si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Kuwento nito pinili ng kaniyang doktor ang AstraZeneca na iturok sa kaniyang first dose.

Nasa A3 category ang TV host-actress dahil noong 2018 ay na-diagnosed ito ng chronic spontaneous urticaria isang uri ng autoimmune disease at di kalaunan ay dumanas din ito ng isang uri ng lupus.

Hinikayat niya si Leviste na magpabakuna dahil noong nakaraang Agosto ay nagpositibo ito sa COVID-19.