-- Advertisements --

Ibinunyag ni Kris Aquino na kasalukuyan siyang nakararanas ng mga sintomas ng sakit na Lupus matapos isagawa ang malalimang pag-aaral sa kanyang autoimmune blood panel. 

Simula 2022 ay nasa America na ang aktres para sa patuloy na gamutan ng kanyang autoimmune diseases at iniindang crest syndrome. 

Ibinahagi rin ni Kris na tumataas ang kanyang blood pressure at inflammatory numbers. Nagkakaroon din umano siya ng butterfly rash sa kanyang mukha. 

Sa kabila ng mga iniindang karamdaman, hindi nawawalan ng pag-asa at pananampalataya si Kris. Aniya, hindi pa rin siya susuko at tuloy ang laban para sa pagpapagaling.