Mistulang ikinokonsidera ng TV host/actress na si Kris Aquino ang pagtakbo sa public office sa 2022 elections.
Ayon sa dating presidential sister, katunayan ay mayroon na siyang limang plataporma pero depende pa rin kung makikiaayon ang kanyang kalusugan.
“Common sense ha, the longer I stay unhealthy, the less likely ang 2022. Pero kung papasukin, handang handa,†saad ng bunso sa Aquino sisters.
“(I have) 5 platforms personally experienced & survived: healthcare as a patient, taxation from 32 years of honest payments, education from a mother’s perspective, the justice system & the family code (gets nyo na), and smaller scale entrepreneurship,†dagdag nito.
Ugat nang pagpapahiwatig ng tinaguriang Queen of All Media ay ang pag-alma nito sa isang netizen na nam-bully sa kanya kung saan inakusahan siya na OA o overacting lamang sa pagkakaroon nito ng karamdaman.
“I am 99% sure this is a fake account @dtrm56 or whoever/whatever you are… so creator of said account, you haven’t earned the privilege of being cruel to me or ANYONE else battling an autoimmune issue, any form of allergy, or any type of illness,†bahagi ng komento ni Aquino ngunit sinasabing burado na.
Noong nakaraang taon nang ma-diagnose si Kris na mayroong autoimmune disease partikular ang chronic spontaneous urticaria.
Kung maaalala, may pagkakataong sa Singapore pa nagpapasuri ang 48-year-old actress.