-- Advertisements --

Patuloy na nangangamba ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang kalusugan kasunod nitong sumailalim sa PET (positron emission tomography) scan, na nakaka detect ng mga sakit.

Sa kanyang post sa social media sinabi ng Queen of All Media na hindi niya mapigilang umiyak ng basahan siya ng resulta ng kanyang doctor.

Maalalang nasawi ang ina ni Kris na si dating president Cory Aquino, sa isang colon cancer at ganoon rin ang kanyang lolo.

‘I’m normally very brave. But I broke down in tears after my doctor left. My nurse and the SLMC nurse saw me and said they had never seen me so sad. My mom’s oncologist had come in, and it felt surreal,’ saad ni Kris.

‘He even jokes, (bimbie) ‘I don’t think Tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he’s enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop?’ dagdag ni Kris

Dito nga nalaman ni kris na pagkatapos ng assessment sa kanya ay nag negatibo ito sa Cancer.

‘Late afternoon when I was wide awake, Dr. Jonnel was smiling, he said—you are cancer free. Clear intestines. No visible sign of cancer,’ sabi ni Kris.

Nagpasalamat naman ito sa patuloy na panalangin na kanyang natatanggap para sa kanyang sitwasyon.

Ngunit ayon sa mga doktor ni Kris ang sakit nito na autoimmune conditions ay nagpapanatili paring banta sa kanyang buhay. (Script/ report by Bombo John Flores)