-- Advertisements --

Pabalik na sa Pilipinas si tv host/ actress Kris Aquino matapos ang dalawang taon na pagpapagamot sa US dahil sa kaniyang sakit na autoimmune diseases.

Sa social media post nito, kaya siya nagpasyang umuwi ay dahil nais niyang makakuha ng mga suporta mula sa kaibigan niya.

Makikita rin sa mga larawan na nakasakay na ito ng eroplano kasama ang ilang kaibigan na si Michael Leyva.

Dagdag pa nito kaya siya uuwi ay dahil sa magsisimula na ang kaniyang immunosuppressant infusions sa susunod na dalawang linggo.

Giit nito na kahit na mayroong anim na autoimmune disease ito ay nais niyang maging intact ang kaniyang vital organs.