-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ng actress na si Kris Aquino mula sa kaniyang pagpapagamot ng kaniyang autoimmune conditions.

Sa kaniyang social media accounts ay nagbigay ang tv host/actress ng update kung saan ang biological injections umano na itinurok sa kaniya ang nagpagaling sa kaniya.

Pinasalamatan nito ang kaniyang doctor na si Dr. Malika Gupta dahil sa ang mga allergies sa kaniyang dugo ay nawala na at hindi na lumala pa ang sakit nito.

Aminado ito na naging malaking hamon para sa kaniya ang mga side effects ng mga gamot niya.

Sasailalim pa siy ang blood test sa darating na Hulyo 20 at magkakaroon ng ikalawang biological injectable sa July 24.

Magugunitang noon pang nakaraang taon ay nasa US na ang tv host actress kasama ang dalawang anak nitong sina Josh at Bimby para sumailalim sa gamutan sa kaniyang kakaibang sakit.