-- Advertisements --

Kasabay ng kanyang kaarawan, ibinunyag ni Kris Aquino na may ikalima siyang autoimmune disease at importante ang susunod na anim na buwan sa kanyang buhay dahil kung hindi tumalab ang gamot na susubukan sa kanyang katawan ay maaari umano siyang magkaroon ng cardiac arrest.

Sa isang panayam, sinagot ni Kris ang tanong kung bakit hindi siya gumagaling agad.

Pagbubunyag niya, maraming gamot ang bawal sa kanya kabilang na ang antibiotics at paracetamol sapagkat nagkakaroon ang mga ito ng side effects kapag iniinom niya.

Ani Kris, mabibilang lang daw umano sa kamay ang gamot na pwede sa kanya.

Humiling din si Kris na ipanalangin siya dahil gusto niya pang humaba ang kaniyang buhay.