-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ng actress na si Kris Aquino kahit na ang pagkalat ng mga fake news na ito ay pumanaw na.
Sinabi ng malapit na kaibigan ng actress na si Dindo Balaers, na walang katotohanan ang nasabing paglabas ng balita dahil personal pa niya ito nakausap.
Naging maganda naman at masaya ang kondisyon ng actress habang ito ay patuloy na nagpapagaling.
Nanawagan ito ng pagdarasal para sa agaran niyang pagpapagaling.
Magugunitang kamakailan ng umuwi sa bansa ang actress matapos ang ilang taon na pagpapagamot sa sakit niyang autoimmune disease.