-- Advertisements --

Patuloy ang pakikipaglaban ni tv-host actress Kris Aquino sa kaniyang sakit.

Sa social media post nito ay nagbigay ito ng update sa kaniyang mga fans.

Sinabi nito na patuloy ang kaniyang gamutan sa panibagong autoimmune disease na lupus.

Ang nasabing sakit ay bukod pa sa kaniyang Churg Strauss/EGPA at Crest Syndrome.

Nakaranas na siya ng sintomas ng SLE o systemic lupus erythematosus na isang uri ng lupus.

Dagdag pa nito na walang tigil ang kaniyang pag-iyak ng makita ang panel result ng kaniyang dugo.

Nangako ito sa kaniyang fans na hindi ito liliban sa gamutan at mahigpit na susundin ang mga payo ng kaniyang doctor.

Magugunitang noong Agosto ay sinabi ni Aquino na ito ay bahagyang gumagaling na kahit na sa matinding sakit na gamutan ng kaniyang pinagdadaanan.