-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni tv host actress Kris Aquino ang pagdiriwang niya ng kaniyang ika-54 kaarawan.
Sa social media account nito, ay ibinahagi nito ang larawan kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Ilan din sa mga bisita nito ay sina Michael Leyva at RB Changco at iba pa.
Pinasalamatan din nito ang mga bumati sa kaniya na hindi nakalimot sa kaniyang kaarawan.
Magugunitang noong Setyembre ng nakaraang taon ng umuwi sa bansa matapos ang dalawang taon na pananatili sa US para sa pagpapagamot ng kaniyang autoimmune disease.
Noong Hunyo din ng nakaraang taon ay ipinakilala niya ang bagong nobyo nito na si Mike Padlan na isang doktor sa Pilipinas.