-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga fans at kaibigan na nagbibigay ng suporta matapos ang pakikipaghiwalay nito sa doctor na nobyo.

Dagdag pa nito na bukod pa dito ay may ilang kaibigan siyang nagpapadala ng mga pagkain kung saan nakakatulong ito para manumbalik ang kaniyang gana sa pagkain.

Ibinahagi rin ng TV host ang ginagawa niyang pagpila sa pagamutan kung saan maaga na ito ng nagtutungo sa mga appointment niya sa mga pagamutan.

Magugunitang patuloy ang ginagawang gamutan ni Kris Aquino sa kaniyang autoimmune disease.