-- Advertisements --
Ibinahagi ni Kris Aquino ang kaniyang naging karanasan sa negatibong epekto ng paghahalo ng mga gamot.
Sa kaniyang social media post, sinabi ng 49-anyos na nagkaroon ng hindi magandang epekto sa mukha nito ang paghahalo ng mga gamot.
Sinabi nito na mali ang kaniyang nadampot na painreliver ng lumala ang kaniyang migraine kaya nagkaroon ng negatibong reaksyon sa kaniyang katawan.
Inihalimbawa pa nito na ang nasabing pamamaga ng kaniyang mata ay tila resulta ng pakikipag-sparring niya sa dating UFC champion Ronda Rousey.
Pinag-iingat na lamang niya ang kaniyang mga followers na magsilbing aral sana sa kanila ang kaniyang naranasan.