Hindi magiging big deal kay Kris Aquino sakaling totoo ang ibinabato sa bunsong anak nito na si Bimby na umano’y bading daw.
Isa ito sa mga isyung sinagot ng 50-year-old former presidential sister na bakas na ang pagka-pikon pero nagbabala sa mga nambu-bully na tantanan ang kanyang mga anak.
Ayon sa kinikilala noon bilang Queen of All Media, 13-years-old pa lamang si Bimby at mananatiling anak niya ano man ang mangyari.
“I know my son doesn’t identify being gay BUT in the event that he ever does, he will still be my son,” ani Aquino.
Kung maaalala, nitong Valentine’s Day nang regaluhan ni Bimby ng sulat at bulaklak ang dating child star na si Miles Ocampo.
Pero ito ay bilang pasasalamat lamang sa pagiging “loyal” sa kanila.
Hinggil naman sa panganay nitong si Josh na inakusahan na nakabuntis daw, hamon ng TV host/actress na pangalanan at iharap sa kanila ang babae.
Ang 25-years-old na si Josh ay anak ni Kris sa aktor at dating boyfriend na si Philip Salvador, habang si Bimby ay anak naman niya sa basketball star ex-husband na si James Yap.