-- Advertisements --

Tuloy na si Kris Aquino sa pag-alis ng Pilipinas sa darating na Huwebes, Mayo 19, upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling sa Amerika.

Ito’y dalawang linggo mula nang maunsyami o hindi matuloy ang kanyang international flight matapos tumaas ang blood pressure kaya hindi nabigyan ng clearance mula sa doktor.

Ngayong araw sa pamamagitan ng post sa Instagram, inamin ng dating presidential sister na “life threatening” o kritikal na ang kanyang sakit.

Gayunman, muli nitong itinanggi ang napaulat na-confine siya sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital at kasalukuyang nag-aagaw buhay dahil sa kanyang kondisyon.

“‘Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay, masyado kayong advance. Para klaro ang lahat and dahil gusto niyong patayin na ako – well, I am not yet dead. I am going to fight to stay alive,” saad nito.

Kris still alive

Giit ng 51-year-old TV host/actress, huwag naman sanang “advance” mag-isip ang mga kritiko dahil determinado siyang lumaban para madugtungan pa ang buhay.

Ayon sa kinikilala bilang Queen of All Media, mula pa noong Abril ay tatlo na ang kumpirmadong autoimmune condition niya kaya nag-aalala ang kanyang mga doktor sa Pilipinas at sa Amerika para sa organ damage sa kanyang puso at baga.