-- Advertisements --

Mas focus muna ni Kris Aquino ang pagpapabuti sa kanyang kalusugan.

Pahiwatig ito ng dating kinikilala bilang Queen of All Media kasunod ng paggiit na tahimik ang kanyang buhay sa pagiging single at hindi rin nakikipag-date.

Kris link to Leviste 3
Vice Gov. Leviste

Nabatid na usap-usapan na minsang namataan si Kris na kasama sa dinner date si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa isang restaurant sa Makati.

Base ito sa sources umano ng Mega Entertainment.

Dagdag pa rito na pursigido raw si Leviste sa dating presidential sister kung saan pinupuntahan niya ito sa kanyang service residence sa Taguig kahit pa minsan ay walang napapala.

“Single, not dating, peaceful, trying to get healthier. Maiksi ang caption, I’m learning how to say less,” saad nito sa caption ng larawan habang nasa dinner nila ng fashion designer na si Michael Leyva.

Noong 2019 nang unang maramdaman ang Batangas vice governor sa Instagram ni Kris matapos manawagan para aniya sa mga single na lalaki na may edad 41 hanggang 55-anyos na siya ay i-add sa Facebook.

Kung sakali, pasok pa rito si Leviste ana ngayon ay 43-yearls habang si Kris ay kaka-celebrate lang ng kanyang 50th bitrhday nitong nagdaang Valentine’s Day.

Si Kris ay ex wife ng basketball star na si James Yap, at na-link sa aktor at Quezon City Mayor Herbert Bautista.