-- Advertisements --
Kris sleepy 3

Alam umano ni Kris Aquino na marami ang nawiwirdohan o napapataas ang kilay sa kanyang pag-amin na natutulog ito na suot ang kanyang pearl necklace.

Ayon sa dating presidential sister at nakilala bilang Queen of All Media, nabasa kasi nito na nakakatulong pala ang mga perlas na ibalanse ang pabago-bagong kondisyon ng hormones.

Liban pa rito na nakakapagpahupa ng stress and anxiety ang anomang pearl jewelry, gayundin na nakakapagbigay ng good vibes sa bahay o work place ng isang tao, at napapatatag ang ating spiritual life.

Ugat aniya ng pagtulog nito suot ang malaking perlas na kuwintas ay matapos sumama ang kanyang pakiramdam na tumagal ng ilang linggo kaya nagka-interes magbasa tungkol sa gems upang mapagaling siya.

Gayunman, mismong bunsong anak daw nito na si Bimby ang nagpaalala sa kanya na hindi pa rin mabisang gamot ang isang alahas.

“bago kayo sobrang ma weird why naka pearls ako with my oversized men’s white shirt na pantulog ko- i read that pearls help balance hormonal fluctuations and they ease stress & anxiety. They are also supposed to enrich a person’s spiritual life & help in creating a caring & harmonious atmosphere at home or in the workplace. Pearls are also supposed to help love and prosperity surround the wearer. So yes, natutulog ako with my pearls on,” saad ng 49-year-old former TV host/actress.