-- Advertisements --

Nagpahayag ng kasabikang makauwi sa bansa ang actress-host na si Kris Aquino.

Ito ay matapos ang kaniyang pagpapagamot ng autoimmune diseases sa California mula pa noong 2022.

Sa social media account ng kaniyang haristylist na si Kimora Bernabe, ay nagpost ito ng video ng actress.

Natuwa naman ang mga fans nito kung saan napansin nila ang pagiging masigla na ng actress.

Una ng sinabi ng anak nito na si Bimby na maaring makauwi na ang ina nito sa Setyembre o Oktubre.