-- Advertisements --

Ibinunyag ng TV host / actress na si Kris Aquino na wala itong nobyo habang patuloy ang pakikipaglaban pa rin sa atuoimmune diseases.

Sinabi nito na sa ngayon ay walang nagpapatibok sa kaniyang puso dahil walang nobyo of fiance.

Dagdag pa nito na patuloy ang kaniyang pakikipaglaban sa pampitong health issue nito na Fibromyalgia na ito ay isang chronic disordeer na nagdudulot pananakit sa buong katawan ganun din ang problema sa pagtulog.

Una na siyan na-diagnosed ng Autoimmune Thyroiditis, Chronic Spontaneous Urticaria, Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA), Systemic Sclerosis, Lupus/SLE, at Rheumatoid Arthritis.

Noong nakaraang taon ay nakauwi na sa bansa ito matapos ang dalawang taon na pagpapagamot sa US.

Maguugnitang noong Hunyo ay sinabi niya na nagkakamabutihan sila ng isang Makati-based na doctor kung saan lumabas din ang usapin na mayroon itong relasyon sa politikong si Mark Leviste.