-- Advertisements --
Muling tiniyak ni Kris Aquino sa kaniyang bunsong anak na si Bimby na tatanggapin niya ito kahit may mgma kumikwestyon sa kaniyang kasarian.
Sa inilabas na video sa social media, makikita ang pag-uusap ng mag-ina.
Dito ay tinanong ng dating presindetial sister ang 14-anyos na anak hinggil sa isyu ng kasarian, bagay na matapang na sinagot ng anak na hindi naman ito nababahala kung ito ay “gay.”
Pero giit ni Bimby, “I’ll set the record straight. I’m straight. I like women. I don’t like boys,”
Magugunitang maraming fans ng “Queen of All Media” ang kumukuwestiyon sa kasarian ng anak nila ng basketbolista at dating asawa na si James Yap.