-- Advertisements --

Nagbigay na ng tulong si Kris Aquino sa mga biktima ng bagyong Odette sa bahagi ng Visaya at Mindanao.

Sa kaniyang social media account, sinabi nito na kahit
nakabakasyon siya kasama ang fiance na si Mel Sarmiento ay hindi nito nakakalimutan ang pagtulong.

Nakipag-ugnayan na ito sa kapwa actress na si Angel Locsin para sa kaniyang isasagawang pagtulong.

Noon pa man aniya ay kasama na nito ang actress tuwing may mga tinutulungan na nabibiktima ng mga kalamidad.

Pinuri ng actress ang ilang mga pulitiko na nagsagawa na ng relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Odette.