-- Advertisements --

Itinanggi ni Kris Aquino ang mga kumalat na balita na ito ay nasa malubhang kalagayan.

Sa kaniyang social media account, sinabi ng tv-host actress na labis itong nalulungkot sa pagkalat ng balita.

Mula pa noong Biyernes aniya ay marami ito ng natanggap na balita na nasa internal care unit (ICU) sa isang pagamutan sa St. Luke’s o sa US.

Dagdag pa nito na tila sabik ang mga trolls na ito ay mamatay.

Pinasalamatan din nito ang mga malapit na kaibigan na nagpadala ng mga pagkain ng malapan ang kumalat na fake news.