-- Advertisements --

Pinal na ang desisyon ni Kris Aquino na sa probinsya muna manirahan sa gitna ng hindi pa natatapos na coronavirus pandemic sa bansa.

Sa anunsyo ng 49-year-old former TV host/actress, lalayo muna siya sa Metro Manila kasama ang bunsong anak na si Bimby at bibisitahin na lamang sa Central Luzon ang panganay na si Josh.

Ayon sa dating presidential sister, nagustuhan na ni Josh sa Tarlac ngunit dadalawin pa rin buwan buwan upang ma-check ang kalagayan.

Sa kasalukuyan ay pitong buwan nang nakatira ang birthday girl sa inilarawan nito bilang isang serviced residence sa BGC, Taguig.

Hindi naman nabanggit ni Krissy kung saang probinsya ang kanilang magiging bagong tirahan ngunit ito ay nasa beachfront, saktong maganda para sa kanyang maselang kalusugan.

“Kuya Josh and Bimb will always remain the greatest priorities of my life but I can only give them my love and their much needed sense of security if I do everything I can to protect my health,” saad ng bunso sa Aquino sisters.

“Sa katunayan, birthday gift ko po sa sarili ko ang paglipat sa isang beachfront house na inupahan namin for the next 6 months,” dagdag nito.

Kris bday last year

Sa darating na February 14 o Valentine’s Day na papatak sa araw ng Linggo, ipagdiriwang ni Kris ang kanyang 50th birthday.

Ang panganay nito kay Philip Salvador na si Josh ay 25-anyos na, habang si Bimby na anak niya kay James Yap ay 13-anyos na.

Noong nakaraang taon, inilaan ni Kris Kristina Bernadette sa tunay na buhay, ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng wellness retreat para sa “physical and emotional healing.”