Nilinaw ni Kris Bernal na hindi pagpapapansin lang ang dahilan ng napapadalas nitong pagpo-post ng kanyang daring o sexy pictures sa online.
Pahayag ito ng 32-year-old actress, matapos purihin at kantyawan ng kanyang fans sa pambihirang two piece swimsuit photo at hanggang sa mag-topless habang nakadapa.
Ayon kay Kris o Kristine Ann sa tunay na buhay, gusto niya lang balikan balang-araw na minsan sa kanyang buhay ay maliit ang kanyang bewang at nagkaroon ng abs.
Hindi naman aniya ibig sabihin ng kanyang sexy photos ay tuluyan na siyang maghuhubad sa harap ng camera, bagkus ay birthday gift niya lang sa sarili at bago na rin ang pag-iisang dibdib nila ng non showbiz boyfriend.
Aminado si Bernal na baka kapag pinasok na nito ang married life ay mag-iiba na ang kanyang prayoridad at hindi na mapansin ang sarili.
“After years of working out, seven years of working out, heto na, na-get ko na nagre-react ang katawan ko. I feel I’m at my healthiest and strongest. Hindi natin alam baka sooner or later, magkapamilya na ako. So hindi natin alam, baka lang ito yung last,” saad nito sa pep.
Noong nakaraang taon nang tila mapikon ang bride to be laban sa mga pumupuna na siya raw ay buto’t balat na, dahil “skin and muscles” daw ang kanyang ipinagmamalaki.
Una na siyang inilarawan bilang “anorexic,” “parang maysakit,” “kulang sa sustansiya,” at “losyang” dahil sa sobrang payat na pangangatawan.