Umaani ng “comfort messages” si Kris Aquino mula sa ilang netizens at mga kapwa nito artista kasunod ng kanyang “sorry message” sa yumaong kuya na si dating Pangulong”Noynoy” Aquino.
Una nang humingi ng paumanhin ang dating presidential sister kay Noynoy dahil hindi raw nito nasabi na mahal niya ito noong nabubuhay pa, gayundin dahil sa kabiguan na huwag nang isasapubliko ang mga isyu sa pribadong buhay.
Partikular na tinukoy ni Kris ang pagpatol daw sa isyu na nagkabalikan sila ng nakahiwalayang fiance na si dating Interior Sec. Mel Sarmiento, sa kabila ng panggagamit lamang umano nito sa kanya.
Pangako nito sa pang-15 naging pangulo ng Pilipinas, kakalimutan na ang nakaraan sa pamamagitan ng pagpapatawad upang makapag-move on na rin sa buhay.
Nabatid na ngayong “love month” ang kaarawan ng magkapatid kung saan kahapon, Pebrero 8, ang sana’y 62nd birthday ni P-Noy habang sa darating na Valentine’s Day sa February 14 ang 51st birthday ng kinikilala noon bilang Queen of All Media.
“i’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding nyo?
WE ALL LOVE YOU and we really miss you- but kuya josh & bimb, they still really need me. Ikaw nang bahala, okay,” bahagi pa ng mahabang mensahe nito sa IG.
Kung maaalala, determinado ang bunso sa Aquino sisters na tutukan ang pag-aalaga sa kanyang kalusugan pero pinabulaanan na mayroong malalang karamdaman.
June 24 noong nakaraang taon nang sumakabilang-buhay si “P-Noy” sa edad na 61, dahil sa renal disease secondary to diabetes.