-- Advertisements --

Hangad umano ni Kris Aquino na magtiwala na lamang si Herbert Bautista sa kanyang sarili sa gitna ng pagtakbo nito bilang senador sa May 2022 elections.

Ito’y kasunod umano ng tila “hugot” line ng 53-year-old actor kung saan kanyang sinabi na napalampas nito ang tiyansa na mag-propose sa isang hindi na tinukoy na pangalan, bagay na hindi naman pinalampas ng fiance ni Kris na si dating Interior Sec. Mel Sarmiento.

Kris vs Bistek 3

Para kay Sarmiento, si Kris ang pinapatungkulan ng dating Quezon City mayor na inilarawan nito bilang pagiging “ungentleman.”

Gayunman, burado na ang naturang post ni Bistek na sinasabing may mga hashtag pa na #KungMaibabalikKoLang at #TOTGA o nangangahulugang the one that got away.

Ayon sa 50-year-old na kinikilala bilang “Queen of All Media,” noong Mayo pa nito ibinigay ang birthday/goodbye gift letter para kay Bautista upang maging malinaw na panahon na para sa kanilang “me after you” version.

Katunayan ay nag-usap pa raw sila at naging magaan naman lalo’t alam na nito sa kanyang sarili na si Mel ang matimbang sa kanyang puso.

Narito naman ang umano’y pag-alma ng 59-anyos na si Sarmiento:

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention.

Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.

Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon.”

Kamakailan lang nang ipinaabot na rin ng actor policitian ang pagbati para sa engagement ng dating presidential sister.

Sa isang panayam, natawa ngunit nasambit pa rin naman nito ang maiksing katagang “masaya naman” siya para sa dating girlfriend.