-- Advertisements --
Kris on Duterte

Inamin ni Kris Aquino na pinanood niya ng buo ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa celebrity sister ni dating Pangulong Noynoy Aquino, bumilib siya sa mahigit isang oras na talumpati ni Digong kung saan naging tapat ito sa pagsabing nahihirapan pa ring sugpuin ang korupsyon sa bansa.

Hindi rin aniya binabalewala ng pangulo ang mga hinaing ng publiko hinggil sa mahirap na proseso sa ilang government agencies gaya ng Social Security System at Pag-IBIG.

Hangad daw niya na sana ay tularan ng taongbayan ang pagiging totoo sa sarili ni Pangulong Duterte.

Samantala, wala namang nabanggit ang tinaguriang “Queen of All Media” hinggil sa kontrobersyal na mensahe ng kanyang dating celebrity boyfriend na si Philip Salvador laban sa mga bumabatikos sa pangulo.

Nabatid na sinabihan ni Ipe na “mamatay na ang lahat ng mga kritiko ni Pangulong Duterte.

“Napahanga nya ko… Kaya sana, tumulad na lang tayo sa pagka AUTHENTIC ni presidente Duterte, hindi nagyayabang, direcho magsalita. We keep saying we deserve a better country, that starts with accountability. We can have a better 🇵🇭 BUT that starts with us. #krisfeels” caption pa ng dating presidential sister.