Nasungkit ni Kristel Fulgar ang parangal na Global Creator of the Year award sa 2023 Asia Pacific Actors Network (APAN) Star Awards sa South Korea.
Ang APAN Star Awards ang kumikilala sa mga personalidad na nagpakita ng husay sa larangan sining sa telebisyon at web drama.
Pinaparangalan din ng APAN ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa Korean Wave, o ang promosyon at pagpapalaganap ng South Korean popular culture.
Ang Global Creator of the Year ang pangalawang parangal na natanggap ni Kristel sa naturang bansa. Naunang nasungkit ng aktres at vlogger ang 2023 Global Influencer Award noong ika-7 ng Disyembre 2023.
Ibinahagi ni Kristel ang pasasalamat niya sa nakuhang award sa isang social media post.
“It is such an honor to be one of the awardees of this year’s APAN Star Awards Global Creator of the Year,” ayon sa caption ni Kristel.
Nagpasalamat din ang dating child actress sa komite ng naturang award-giving body para sa pagpili sa kanya sa nasabing kategorya ng parangal.
“Thank you to my family and friends for always being there. But I would like to thank most especially our Almighty God for all these blessings,”
“Thank you to my family and friends for always being there. But I would like to thank most especially our Almighty God for all these blessings,”
Kristel Fulgar
Nagbigay-pugay din si Kristel sa mga sumusuporta at sumusubaybay sa vlogs niya.
“To all of you from the Philippines and all over the world, Mabuhay and see you in my next vlog!”
Kristel Fulgar
Bagamat namahinga muna si Kristel sa show business sa Pilipinas, nananatiling masigla ang karera niya sa entertainment sa pagiging vlogger at recording artist.
Parte na rin ang 29 años na dalaga ng isang entertainment company sa South Korea.
Unang sumikat si Kristel noong naging parte siya ng isang sikat na children’s comedy show noong 2005.
Photo courtesy from Kristel Fulgar’s official social media page.