-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng bagong record si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Kristina Knott.

Ito ay matapos makamit niya ang silver medal sa 100-meter women’s dash event sa 2020 Drake Blue Oval showcase sa Iowa.

Natapos niya ang nasabing record sa loob ng 11.27 seconds.

Dahil dito ay nahigitan niya ang national record na hawak ng Lydia de Vega sa loob ng 33 taon na 11.28 seconds noong 1987 Jakarta SEA Games.

Magugunitang noong 2019 SEA Games ay nakamit nito ang record na 23.30 secondes sa women’s 200-meter dash na hawak dati ni De Vega na mayroon 23.35 seconds.

Nabasag din nito ang sarili niyang record na 23.01 seconds at sa pamamagitan din nito ay nalampasan niya ang 23.07 seconds ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games.