Tila balak pang sundan ni Kristine Hermosa ang “soon” to be family of 7″ nila
ni Oyo Boy Sotto.
Ito’y matapos magpasalamat sa Diyos ang 37-year-old actress kahit lalaki muli ang ipinagbubuntis nito na 4th biological baby nila ni Oyo.
Ayon kay Kristine, hindi pa man nasasagot ang wish na isa pang baby girl ay mas marami pa rin namang nasagot sa kanilang mga dasal kaya magtitiwala na lamang sa “perfect time.”
Nabatid na isa pa lang ang kanilang babae at ito ay ang first born nila na si Ondrea na isinilang noong 2011, ang parehong taon kung kailan sila ikinasal.
“So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer… pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family,” ani Hermosa sa larawan ng ultrasound image ng bagong baby.
Sa kabuuan, baby No. five na ito ng celebrity couple kung saan isa ang kanilang adopted.
Kasunod na nito ang pag-ampon nila sa baby boy na pinangalanang Kristian Daniel, at 2014 nang mabuo ang second biological child na isang lalaki.
Sa panig ni Oyo o Vittorio Mari Bonnevie Sotto sa tunay na buhay, aminado ito na baby girl din talaga ang wish pero ang mahalaga ay maging malusog ang kanilang newest baby.
“So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito?” wika ni Sotto.